35

Dec 11, 2019 @ 20:13
By

2 tepok sa kotse na nang-agaw ng linya

Todas ang dalawang lalaki matapos kaladkarin ng kotse ang kolong-kolong na kanilang sinasakyan sa Barangay Balintocatok, Santiago City, Isabela noong Martes.

Kinilala ng Santiago City Police Station ang mga biktima na sina Joe Seraboy, 21, binata, at Lorenzo Panag, 24, ng Malasin, Aurora, Isabela.

Sa imbestigasyon, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Balintocatok na minamaneho ni Seraboy nang umagaw sa linya ang kotse na minamaneho ni Monolito Madayag, 46, ng nasabing barangay.

Dito kinaladkad ng kotse ang kolong-kolong nang may 35 na metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Agad na namatay si Serabod habang dead on arrival ang kasama niyang si Panag.

Nasa Southern Isabela Medical Center naman ang driver ng kotse matapos itong magtamo ng sugat sa kanyang katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?