166
ABANTE-TNT-teenager-holdaper-corner
Nov 16, 2017 @ 16:25
By

2 teenager na holdaper, nakorner

Arestado ang dalawang teenager matapos holdapin ang isang negosyante sa Quezon City, Huwebes ng umaga.

Dinakip ng pulisya ng Quezon City sina John Paul Orkaja at Verjel Balando, kapwa nasa edad 18 at residente ng Brgy. Payatas, dahil sa reklamong pagnanakaw.

Ayon sa biktimang si Agrenz Escalona, naglalakad umano siya pauwi sa kanyang tahanan sa Brgy. Batasan Hills nang harangin siya ng mga suspek saka tinutukan ng baril bago limasin ang mga gamit niya.

Matapos ay tumakas ang mga suspek kaya agad ni-report ni Escalona sa mga awtoridad ang nangyaring panghoholdap sa kanya na mabilis namang nagresponde at nagsagawa ng follow-up operation.

Nakorner naman ang mga suspek habang papauwi sa kanilang tirahan at narekober ang mga gamit ng biktima kabilang ang isang laptop.

Nakumpiska rin sa mga ito ang anim na pulgadang patalim at baril-barilan na kahawig ng isang 9-mm pistol.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa panghoholdap ang mga suspek dahil nadawit na rin umano ang mga ito sa parehong reklamo noon lamang Nobyembre 13 kung saan tatlong tao naman ang nabiktima ng dalawa.

Naghaharap ngayon sina Orkaja at Balando sa kasong robbery. (Dolly B. Cabreza/With trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?