56

May 28, 2021 @ 18:11
By

2-taon na batang henyo, nadiskubre sa US

Nadiskubre ng Mensa, isang kilalang samahan ng mga high-IQ na indibidwal sa mundo, ang isang dalawang taong gulang na babae mula sa Los Angeles, California.

Ang batang si Kashe Quest ay nadiskubre ng Mensa na taglay ang IQ na 146.

Angat ang talino ng bata kumpara sa mga ka-edad nito, dahil kaya na niyang magbilang hanggang 100 at nauunawaan na ang ilang element sa periodic table.

Ayon sa ina ng bata, wala pang dalawang taon ang bata ay kabisado na nito ang alpabeto, at nakakaunawa na siya ng mga numero, kulay at hugis.

Dagdag pa sa kakaibang talino ni Quest, kabisado na niya nag 50 states sa US hindi lamang ang pangalan kundi ang posisyon sa mapa.

Nagsisimula na rin siyang mag-aral ng salitang Espanyol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?