9

Apr 13, 2021 @ 11:56
By

2 tanod na nambugbog ng curfew violator, lagot sa DILG

Siniguro ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mapapanagot ang dalawang barangay tanod na umano’y nambugbog sa namatay na curfew violator sa Calamba, Laguna.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kaaksuhan ang dalawang tanod para maparusahan sa kanilang iniimbestigahang pananakit sa biktima.

“Ito po ay illegal act at hindi po natin papalampasin. We will make sure na makukulong po. We will file appropriate charges sa ating prosecutor and we will make them accountable for their actions,” saad ni Malaya sa ‘Unang Balita’.

Matatandaan na nasawi si Ernanie Jimenez ilang araw matapos umano itong saktan ng mga barangay volunteer sa Calamba, Laguna.

Sinugod sa ospital si Jimenez, at dito nakita na may basag sa bungo nito, at binawian din ng buhay.

Depensa naman ng mga tanod, naaksidente umano si Jimenez habang tumatakas ito sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?