486

By

2 tangke namataan sa EDSA, AFP sumagot na

Sharing is caring!

Viral sa social media ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang pagbiyahe ng dalawang tangke ng AFP sa EDSA at nagdulot ito ng pangamba sa mga netizens.

Hinala ng mga nag-comment sa Facebook post na pinalalakas ng military ang kanilang presensiya sa Metro Manila.

Ngunit sa inilabas na pahayag ng AFP, itinanggi ni Col. Edgard Arevalo na may ‘major troop movements’ ng mga gamit pandigma tulad ng aircraft at armoured vehicles.

Aniya kung totoo man ang video, tinatawag nila itong ‘routinary movements’ at ito ay may sapat na koordinasyon.

“These transportations may happen any time of the day or night especially in localities where there are military camps. Some are even announced to the public in so far as they will not compromise operational security,” ayon kay Arevalo.

Kaya’t nanawagan ang AFP sa publiko na maging kalmado lang dahil walang basehan ang kanilang mga pangamba.

Kasabay nito, nanawagan din si Arevalo na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon lalo na sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?