15
views
shabu-2
By

2 tambay sa kalsada, huli sa droga

Sharing is caring!

Arestado ang isang tambay matapos na sitahing naninigarilyo sa kalsada at nang hanapan ng ID ay isang sachet ng iligal na droga ang nakita kaninang madaling-araw sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Ariel Tumimbo y Dagohoy, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Industrial Valley Complex (IVC) ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report, sinita ng mga nagpapatrolyang tauhan ng PCP 2 ang suspek nang maaktuhang naninigarilyo sa kahabaan ng E. Abello St., Barangay IVC bandang alas-12:10 ng madaling-araw.

Habang tinitiketan na ang suspek sa paglabag sa ordinansa ay hinanapan ito ng ID ngunit nang dumukot sa kanyang bulsa ay isang sachet ng iligal na droga ang nahulog at hindi na nagdalawang-isip pa ang pulis kaya inaresto ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act at paglabag sa ordinansa laban sa kanya.

Samantala, isang 37-anyos na lalaki rin ang inaresto ng Marikina Police sa kasong paninigarilyo sa kalsada at nang hanapan din ng ID ay droga ang nahulog mula sa bulsa nito kamakalawa ng gabi sa Barangay IVC.

Nakilala ang suspek na si Adrian Andres at kasalukuyang nakakulong na rin sa Marikina detention cell dahil sa mga kasong paglabag sa illegal drugs act at paglabag sa ordinansa na anti-smoking. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?