58

By

2 SWS survey na isinagawa sa parehong petsa, magkaiba ng resulta

Sharing is caring!

Nagkaroon ng dalawang magkaibang ‘Magic 12’ ang lumabas na survey na parehong nagmula sa Social Weathers Station (SWS) na isinagawa noong Setyembre 15-23.

Sa survey na nakuha ng online site na Inquirer, ang survey na kinomisyon ng Lakas-CMD ay ipinakitang si Senador Grace Poe ang nangunguna na may 52-porsyento sa senatorial survey.

Ang mga sumunod ay sina Senadora Cynthia Villar (46 percent), Taguig Rep. Pia Cayetano (37 percent), Senadora Nancy Binay (31%), Lito Lapid (30%), Koko Pimentel (30%), Jinggoy Estrada (29%), Sonny Angara (26%), Sara Carpio-Duterte (24%), Imee Marcos (24%), Mar Roxas (22%) at Bam Aquino (22%).

Sa naging survey naman na kinomisyon ni Presidential Political Adviser na si Francis Tolentino, na inilabas ng SWS sa publiko, si Cynthia Villar ang nangunguna hawak ang 53-porsyento ng boto sa survey.

Sinundan siya nina Grace Poe (53%), Cayetano (43%), Pimentel (33%), Lapid (33%), Estrada (31%), Roxas (30%), Binay (26%), Angara (26%), BuCor Chief Roland ‘Bato’ Dela Rosa (25%), Serge Osmeña (24%) at Imee Marcos (24%).

Pareho ang naging sample size ng survey, (1,500 respondents), ngunit sa survey ni Tolentino 24 pangalan lang ng senatorial hopeful ang kasama, habang 40 pangalan naman ang sa Lakas-CMD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?