15

By

2 SUV nagsalpukan: 2 sugatan

Sharing is caring!

Isang Ford Expedition at Isuzu Trooper ang nagbanggaan na ikinasugat ng dalawa katao kahapon ng umaga sa Ortigas Extension sa Taytay, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police Office, naganap ang aksidente bandang alas-6:20 ng umaga sa tapat ng Montevista Heights Subdivision kung saan pa-U-turn sana ang Isuzu Trooper pero mabilis ang dating ng Ford Expedition na mula sa bahagi ng Tikling.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na agad na dinala sa Manila East Medical Center na kapwa nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?