244

Jul 30, 2018 @ 9:58
By

2 suspek sa pamamaril sa PDEA chief sa Cebu, kinilala na

Kinilala na ng Cebu City Police ang riding in tandem na bumaril sa isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas (PDEA-7) sa Villalon Drive, Barangay Capitol Site, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Maria Theresa Macatangay, hepe ng Abellana Police Station sa Cebu City, napag-aralan na nila ang closed-circuit television (CCTV) footage na kung saan nakita ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo patungo sa Barangay Kalunasan mula sa Villalon Drive na kung saan naganap ang pamamaril.

Dead on the spot si Baby Earl Rallos, assistant operations chief ng PDEA-7 dahil sa tinamong multiple gunshot wounds matapos magtamo ng siyam na tama ng bala ng baril sa katawan at apat sa ulo mula sa mga suspek na nakasuot ng face helmets at jackets na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon pa kay Macatangay, kailangan pa muna nilang siguruhin at pag-aralan ang kaso bago bumuo ng special investigation task group sa kaso ni Rallos.

Samantala, kinukundena ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pamamaslang sa isa niyang mapagkakatiwalaang tauhan na si Rallos.

Ibinaba na sa half-mast ang bandila ng PDEA bilang pagluluksa at pakikiramay sa pamilya ni Rallos.

“I am deeply saddened by the loss of one of our agents. The odds of being injured, wounded, or worst killed, continue to stacked against us. Sometimes we are unsuspecting preys to our unseen enemies,” ayon kay Aquino.

Si Rallos ay dating miyembro ng Drug Enforcement Officers’ Basic Course (DEOBC) Class 2007-02, Mapalad ng PDEA Academy.

Ayon pa kay Aquino, ang pagkamatay ni Rallos ay patunay na nasa panganib ang bawat buhay ng mga drug law enforcer, maging sa duty man o hindi ay kailangang maging matatag ang lahat bilang pagtugon sa kanilang trabaho.

Kaugnay nito, base sa pag-iimbestiga ng Scene of the Crime Operation (Soco) team, nakita mula sa sasakyang Toyota Altis ni Rallos ang tatlong malalaking mga pakete ng droga.

Ayon kay Police Regional Office 7 information officer Supt. Reyman Tolentin, hindi pinahihintulutan ang mga pulis na magdala ng kontrabando o anumang ebidensya.

“It doesn’t give you the license to bring drugs if you are a PDEA agent. He likened it to police work wherein police do not carry drugs with them just because they go after those peddling drugs.” Paliwanag ni Tolentin.

Nakuha rin mula sa sasakyan ni Rallos ang isang M4 carbine, .9mm pistol at.45 pistol at mahigit P20,000 cash at apat na US $100 na nakalagay sa isang envelope na nasa loob din ng sasakyan.

Sa kabila nito, naging palaisipan na ang sanhi ng pagpatay kay Rallos matapos makuhanan ng mga armas, salapi at droga sa loob ng kanyang sasakyan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?