36

Sep 9, 2021 @ 13:33
By

2 suspek sa pamamaril sa journalist sa QC, timbog

Pinosasan ng mga awtoridad ang dalawang kelot na umano’y may kinalaman sa pamamaril sa salon owner at kolumnista na si Gwenn Salamida sa Quezon City noong nakaraang buwan.

Matatandaang pumutok ang balita ng naturang krimen noong Agosto kung saan napaulat na nasawi si Salamida sa loob ng kanyang salon matapos itong looban ng isang lalaki.

Kinilala ng La Loma Police Station ang mga hinihinalang suspek na sina Nilo Payag Anub at Richard Go Alaba.

Ayon sa ulat ng GMA News, naaresto ang dalawa nitong Biyernes, Setyembre 3, sa Barangay Commonwealth.

Ani Police Lt. Col. Tyrone DG Valenzona, ang dalawang kelot ang nasapol sa CCTV footage na sinundo ng Toyota Corolla na may plakang TSG 684 na siyang tsikot na naispatan noon sa crime scene.

Nakapkapan naman ng kapulisan ang dalawa ng isang granada, 38 caliber revolver at dalawang balawa ng M203.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?