101

Oct 4, 2017 @ 15:28

2 suspek sa pagpatay sa konsehal sa Mindoro, arestado

Nadakip na ng mga tauhan ng Philippine National Police ang dalawang suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera na si Melchor Arago at anak nitong si Kenneth Arago.

Ayon kay Senior Superintendent Christopher Birung, hepe ng Oriental Mindoro police, alas- 5:30 ng umaga, naharang sa checkpoint sa bayan ng San Teodoro ang 2 suspek sakay ng isang van.

Nakilala ang mga ito na sina Tirso Tito, 39 anyos at Rogelio Sto. tomas, 47 anyos.

Positibo namang itinuro ng isang testigo ang dalawa na nangongolekta ng bote at scrap metal malapit sa lugar ng krimen.

Kapwa residente ng Lipa City, Batangas sina Tito at Sto. Tomas.

Noong Lunes, walang awang pinagbabaril ng mga suspek ang konsehan habang nasa loob ng kanyang kotse sa tapat ng kanilang bahay.

Paalis na sana sa crime scene ang mga suspek subalit bumalik pa ang mga ito at binaril ang 15 anyos na anak ng konsehal. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?