0
views

By

2 suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, umaming hired killer

Sharing is caring!

Inamin mismo ang dalawang naarestong suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote na binaril nila ang alkalde noong July 3 sa Cabanatuan City.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya ang suspek na si Robert Gumacay ay umamin sa harap ng abogado habang si Florencio Suarez ay walang abogado nang magself-confessed.

Natukoy na rin ng Philippine National Police (PNP) ang nagutos sa dalawang suspek para patayin si Mayor Bote pero hindi pa ito pinangalanan ni PNP Chief.

Aniya kasalukuyan nang subject ito sa kanilang manhunt operation.

Dagdag pa ni Albayalde na mas nagiging matimbang naman ang motibong away sa negosyo ang dahilan ng pagkamatay ni Mayor Bote.

Kinumpirma rin ni Albayalde na 4 hanggang walong baril ang nakuha sa dalawang suspek karamihan aniya dito ay 45 kalibre armas.

Pero ang ginamit aniya ng dalawang suspek sa pamamaril kay Mayor Bote ay hindi rehistrado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?