164
2 suspek sa pagkatay sa mag-iina sa Bulacan, naaresto na
Apr 4, 2019 @ 16:59
By

2 suspek sa pagkatay sa mag-iina sa Bulacan, naaresto na

Nalutas na umano ang kaso ng mag-iina na minasaker sa Bulacan matapos agad madakip ang dalawang suspek sa krimen nitong Abril 4.

Idineklara ni Bulacan Provincial Police Office Director Police Colonel Chito Bersaluna ang pagkakaaresto kina Wilson Nosal, 23, at Joselito Cortez, 48, sa isinagawang operasyon ng kapulisan at ng National Bureau of Investigation.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with homicide.

Miyerkoles ng alas-8:30 ng gabi natagpuang duguan at wala nang buhay si Jaymee Casabuena Biding, 28, single mother, at dalawa niyang anak na lalaki na isang 8 at 5 taon gulang sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian.

Inamin na umano ni Nosal ang pagpatay sa mag-iina at itinuro niya si Cortez na kasabwat niya.

Motibo umano ng mga suspek ay pagnanakaw pero nanlaban umano ang mga biktima kaya sinaksak ang mga ito ng maraming beses na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?