832

Jan 13, 2021 @ 15:59
By

2 suspek sa Dacera case: Pinilit kami ng pulis para sabihing may droga sa party

Pinressure umano ng pulis Makati ang dalawa sa mga sangkot sa umano’y rape-killing kay Christine Dacera na sabihing may iligal na droga na ginamit sa New Year’s party na nilahukan nila bago pumanaw ang flight attendant.

Ayon sa abogado ng dalawa na si Abigail Portugal, sinailalim din sina John Paul dela Serna at Rommel Galido ng pulisya sa mental torture at misrepresentation.

Ang Makati police din aniya ang sinasabi ng mga respondent na namressure sa mga ito na ilagay sa affidavit na may droga sa party.

Si Portugal din ang abogado ng tatlo pang respondent sa kaso na sina Gregorio De Guzman, Clark Rapinan, at Valentine Rosales.

“The powder issue insinuating drug use actually came from the mouths of PNP [Philippine National Police] Makati. It was added by them after subjecting the two [Galido, Dela Serna] detained to mental torture and misrepresentation,” sabi ng abogado sa mga reporter ngayong Miyerkoles, Enero 13.

“That they will be released from detention and that no charges will be filed against them. In other words, it was fabricated, tampered afterthought, object and scientific medico-legal evidence,” aniya pa sa panayam sa Makati City Hall.

Giniit din ni Portugal na sumailalim at pawang nagnegatibo sa drug test ang lima niyang kliyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?