38

Jan 17, 2021 @ 22:04
By

2 suspek ng ‘sabunot modus’ timbog

Arestado ang dalawa sa tatlong suspek ng pagnanakaw sa isang pampasaherong bus gamit ang modus na pananabunot.

Ayon salaysay ng biktima, sakay siya ng isang bus sa Quezon City nang biglang may manabunot sa kanya.

Matapos nito ay naramdaman niyang nawawala na ang kanyang cellphone sa bulsa.

Napagtanto ng biktima na na-modus siya kaya agad niyang hinabol ang tatlong suspek na mabilis nang nakababa sa bus.

Sumakay ng jeep ang dalawang suspek at tumawid naman ang isa.

Ayon kay Lieutenant Colonel Elizabeth Jasmin, hepe ng Galas police station, nagkataong nandoon siya at ang isa pang pulis nang mangyari ang insidente.

“Tinawag ‘yung atensyon natin ng isang concerned citizen habang ako po ay nagko-conduct ng inspection dito sa police community precinct. Nanakbo kami kasama ‘yung isang pulis natin. Nagresulta sa pagkaaresto ng isang suspect,” sambit niya.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang isa pang suspek na sangkot sa krimen.

Nahaharap naman sa kasong pagnanakw ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?