162
arrested-jail
Oct 13, 2017 @ 16:57

2 suspek na tangkang pagpatay sa casino dealer, timbog

Nagturuan na ang dalawa sa tatlong suspek na naaresto matapos pagtangkaang patayin at pagnakawan ang isang babaeng casino dealer sa Makati City noong nakaraang Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Sr. Supt. Gerry Umayao, hepe ng Makati City Police,  pinaghiwalay na nila ng selda sina Ronald Carta Jr., at Kato Kawamura para hindi magkasikatan dahil sa kanilang pagsisihan.

Pinag-aaralan naman ng imbestigador kung maaring sampahan din ng kasong attempted murder at robbery ang isa pang suspek na si Excel Bangal.

Sinabi ni Umayao na ang tatlo ang sinasabing pumasok sa bahay ng 29-anyos na si Arianne Cleto, dealer sa City of Dreams casino, sa Barangay Rizal ala-5:30 ng umaga noong Lunes.

Matapos pagsasaksakin ay tinangay pa ng mga suspek ang mga personal na gamit ni Cleto.

Sa ngayon ay bumubuti naman na ang kondisyon ng biktima sa Ospital ng Makati at nakapagbigay na rin ito ng sinumpaang-salaysay na nagdiin sa mga suspek. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?