2,437

Jul 5, 2020 @ 15:20
By

2 suspek na pulis tugisin! Gordon kinundena pagpaslang kay Fabel Pineda

Kinundena ni Senador Richard “Dick” Gordon ang pagkamatay ni Fabel Pineda, ang 15-anyos na dalagita na pinatay ng riding-in-tandem matapos umano’y magsampa ng kasong rape sa 2 pulis sa San Juan, Ilocos Sur.

Sa Twitter ngayong Linggo, hinayag din ni Gordon na dapat tugisin ang dalawang pulis na suspek sa kaso–hindi lang para sa reklamong sexual assault kundi maging sa murder.

“I strongly condemn the remorseless killing of a 15-year old girl in Cabugao, Ilocos Sur by riding-in-tandem assailants. It is abhorrent! It has never been and should never be acceptable that we allow our citizens to be killed mercilessly,” bigkas ng senador.

“Two cops are tagged as suspects to the case – they should be pursued not only for sexual assault or acts of lasciviousness but also for murder. We must not allow the victim to be turned into just another statistic,” aniya pa.

Binanggit niya rin Motorcycle Crime Prevention Law na binuo umano dahil sa maraming kaso ng riding-in-tandem killing sa bansa.

“This cruelty and injustice must stop now!,” sabi pa ni Gordon.

Ayon sa Cabugao Police Station sa isang ulat, pauwi na ng kanilang bahay si Pineda at nakaangkas sa kanyang tiyuhin kasama ang isa pang pinsan nang tambangan sila sa Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur noong Huwebes dakong alas-6:30 ng gabi.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit dineklara siyang patay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan.

Sa social media, bumuhos ang pakikiramay at panawagang hustisya para sa pinaslang na dalagita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?