111

May 1, 2018 @ 13:59
By

2 sundalong naka-sibilyan tinambangan ng NPA, 1 patay

Walang kalaban-laban na pinagbabaril ng mga miyembro ng teroristang New Peoples Army (NPA) ang dalawang sundalo sa Barangay Lumintao, Quezon, Bukidnon kahapon ng umaga.

Dahil dito agad nasawi ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa na ngayon ay patuloy na ginagamot.

Napuruhan ang mga ito dahil walang dalang armas at naka-sibilyan lamang habang sakay ng motorsiklo.

Ayon kay 403rd Infantry Brigade Spokesperson 1Lt. Marisol Fulgosino, alas-10:00 ng umaga nang pagbabarilin ang mga sundalo na kabilang sa 88th Infantry Batallion Community Support Program Security Team.

Idineploy ang mga ito sa Sitio Sto Domingo, Barangay Lumintao upang kumalap ng mga kakailangang dokumento para sa kanilang proyektong livelihood assistance sa mga residente sa lugar.

Hindi pa pinangalanan ang mga sundalo para na rin sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Kinondena ni Brigadier General Eric Vinoya, commander ng 403rd Infantry Brigade, ang ginawang pag-atake ng NPA

“This harsh attack only showed that these NPA terrorists were threatened by our thrust to assist the conflict-resilient communities to finally achieve development,” sabi ni Vinoya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?