51

By

2 sundalo todas sa 2-oras na sagupaan sa Isabela

Sharing is caring!

Dalawang miyembro ng Philippine Army ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa dalawang oras na pakikipagbakbakan sa New People’s Army (NPA) sa Isabela, Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat, nangyari ang sagupaan alas-4:47 ng madaling-araw habang nagpapatrolya ang mga elemento ng 502nd Brigade sa Sitio Diarao Baba sa Barangay Dicamay, bayan ng Jones.

Hindi pa batid kung ilan ang nasawi sa panig ng mga rebelde at wala pang ibang detalye na inilalabas habang ginagawa ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?