51

Jul 30, 2018 @ 9:51
By

2 sundalo sugatan sa pasabog ng NPA sa Davao

Sugatan ang dalawang sundalo matapos bombahin ang kanilang sinasakyan na kukuha sana ng pagkain at supplies, Sabado ng umaga sa Sitio Camarag, Baguio District, Davao City.

Kinilala ang mga sundalo na sina Pfc. Jejomar Judan at Sgt. Enrique Genon, kapwa miyembro ng 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).

Ayon sa report ng PA, papunta ang dalawang sundalo sa kanilang kampo sa Barangay Calinan mula Barangay Tambobong para kumuha ng supply at pagkain nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang kanilang sasakyan.

Ayon kay Senior Insp. Merllito Tubog, hepe ng Baguio District Police, posibleng kagagawan ito ng New People’s Army (NPA) na gumanti matapos ang pagkamatay ng kanilang dalawang miyembro sa naganap na sagupaan noong Hunyo 28.

“Inabangan ang mga papalabas na sundalo at inambush talaga,” ayon kay Tubog.

Kasalukuyang nasa Camp Panacan Hospital ang dalawang sundalo at under observation pa matapos magtamo ng mga shrapnel mula sa sumabog na bomba.

Kinondena ng militar ang rebeldeng grupo dahil sa paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law sa paggamit nito ng IED. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?