191

Dec 8, 2017 @ 9:09
By

2 sundalo sugatan sa bakbakan sa Negros

Sugatan ang dalawang sundalo matapos ang magkasunod na engkwentro ng tropa ng militar at New Peoples Army sa Himamaylan, Negros Occidental kaninang umaga.

Sa ulat ni PNP Region 6 Spokesperson Supt. Gilbert Gorero unang nangyari ang sagupaan alas-6:30 ng umaga kanina habang nagsasagawa combat operation ang tropa ng 62nd Infantry Batallion nang makasagupa ang mga NPA sa Sitio Cunalom Brgy Carabalan Himamaylan Negros Occidental.

Sa sagupaang, sugatan ang isang sundalo na kinilalang si Sergeant Jomar Dolorfino.

Habang dakong alas-9:15 ng umaga kanina habang nagsasagawa ng pursuit operation ang tropa ng militar sa mga nakasagupang NPA a y muli silang nagkaputukan.

Sugatan sa engkuwentro si Private Jelord Para-onda.

Nagpapatuloy naman ngayon ang operasyon ng militar laban sa mga nakasagupang NPA. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?