123

Dec 31, 2017 @ 10:11
By

2 sundalo sugatan sa bakbakan ng militar, NPA sa Davao

Sugatan ang dalawang sundalo nang magsangupa ang mga sundalo at New Peoples Army sa Brgy. Tubaon, Tarragona, Davao Oriental Sabado ng umaga.

Ayon kay Captain Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army nakatanggap sila ng report sa ginagawang panggugulo ng NPA sa lugar.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga sundalo pero papalapit pa lamang sila sa pinangyarihan ng sagupaan ay agad silang pinaputukan at pinasabog ang mga ibinaong landmine ng mga teroristang komunista.

Nagkaputukan ang dalawang panig na nagtagal ng 30 minuto.

Sugatan ang dalawang sundalo habang nakakita rin sila ng dugo na nanggaling sa mga kalaban sa pinangyarihan ng sagupaan.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakasagupang teroristang komunista. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?