110

Dec 11, 2017 @ 17:03
By

2 sundalo patay, 9 pa sugatan sa aksidente sa Pagadian City

Dalawang sundalo ang namatay habang siyam pa ang sugatan makaraang maaksidente sa Brgy. Lourdes, Pagadian City nitong nakalipas na araw ng Biyernes.

Sa ulat ni 1st Infantry Division Spokesperson Major Richard Enciso, alas-10:15 ng gabi sakay ng military truck ang mga sundalong kabilang sa 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army at reresponde sana sa mga sugatang kasamahang nakipaglaban sa mga komunistang terorista sa Brgy. Gasa Lakewood.

Ngunit pagsapit sa may Brgy. Lourdes Lakewood ay nawalan ng kontrol sa manibela ng military truck ang drayber nito dahilan para sila maaksidente.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Celerino Objero at Staff Sergeant Isgerie Papolonias.

Habang sugatan sina Private George Bajo, Corporal Darryl Banares, Corporal Rodrigo Castillo, Corporal Melvin Colobong, Private First Class Jayson de Guzman, Sergeant Benjakar Kasim, Sergeant Roberto Rojas Francisco, Corporal Crisaldo Tan at CAFGU na si Romelson Tasa.

Kaugnay nito nagpaabot ng pakikiramay si Brig. General Roseller Murillo, ang commander ng 1st Infantry Division, sa pamilya ng mga nasawing sundalo at tiniyak na ibibigay ang nararapat na benepisyo para sa mga ito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?