11

Jul 15, 2020 @ 12:24
By

2 sugatan sa sumabog na LPG

Sugatan ang dalawang lalaki matapos na sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa isang bahay sa Malate, Maynila Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 9, kapwa isinugod sa Philippine General Hospital ang mga biktimang sina Jerson Panong, aircon technician, nasa hustong gulang, at isang alyas `JR’, helper.

Parehong nagtamo ng minor injury ang mga biktima dahil sa pagsabog ng tangke ng LPG.

Naganap umano ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa bahay ng mga biktima sa Singalong St., Barangay 728, Malate kung saan tumagas ang LPG hanggang sa sumabog ito.

Nadamay na masira ang isang motorsiklo na nakaparada sa harap ng bahay at kapitbahay ng mga biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?