18
gun1
By

2 sugatan sa pamamaril sa Tondo, suspek arestado

Sharing is caring!

Nasugtan ang dalawang lalaki sa insidente ng pamamaril sa Tondo, Maynila kaninang tanghali.

Nangyari ang insidente pasado alas 12:20 kaninang tanghali sa Velasquez Street cor. Jacinto Street Tondo.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang biktima na sina Romero Teodoro Del Mundo, 53 anyos, isang construction worker at Romero Teodoro Jr. anyos na kapwa ginagamot sa ospital sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Arestado naman ang isa sa dalawang suspek na nakilalang si Ronald Aniñon Balingit habang nakatakas matapos ang pamamaril ang kasamahan nitong si

Jimmy B Hungduan, 41 anyos.

Nakumpiska sa naarestong suspek ang isang 9mm pistol na may lamang anim na bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen para malaman ang motibo sa pamamaril habang patuloy din ang pagtugis sa nakatakas na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?