318
jeep-bangin
Apr 24, 2018 @ 15:30
By

2 sugatan sa jeep na nahulog sa bangin

Dalawa ang sugatan matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng sinasakyang jeep ng mga biktima at dumiretso sa isang malalim na bangin sa zigzag road na sakop ng Barangay Dalig, Antipolo Rizal, kahapon ng umaga.

Umaabot sa 20-talampakan ang lalim ng pinaghulugan ng jeep kung saan sugatan ang driver na si Edwin Cabueno, residente ng Morong Rizal at Emerita Gobia, 38-anyos, residente ng Barangay San Jose, Antipolo.

Batay sa report, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na si Cabueno dahil sa pa-zigzag ang kalsada ng bahagi ng Barangay Dalig na naganap bandang alas-6:20 ng umaga ng Martes.

Nabatid na patungo ng Teresa, Rizal ang pampasaherong jeep na hindi naman puno kaya masuwerte na dalawa lamang ang nasugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?