1,153
2 sikat na artista na bulto sa pag-order ng ecstasy, tukoy na
By

2 sikat na artista na bulto sa pag-order ng ecstasy, tukoy na

Bagamat alam na at mahigpit na minomonitor ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang artista na maramihang umorder ng ecstasy ay hindi pa umano nila ito maaaring isapubliko hangga’t hindi nila nahuhuli sa aktong gumagamit o may dala ng nabanggit na iligal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, patuloy ang pagbabantay ng kaniyang mga tauhan sa dalawang big celebrities na regular at matagal na umanong parokyano ng napatay na big-time party drug dealer na si John Steven Pasion.

Sa kabila nito, inamin ng PDEA chief na hindi pa nila pwedeng sampahan ng kaso ang mga nasabing artista hangga’t wala pa silang matibay na pinanghahawakang ebidensiya dahil ang text message ay hindi umano sapat laban sa kanila.

“Marami tayong namonitor pero ‘yung na-confirm talaga natin based on text messages we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista. Itong isang celebrity na ito e bumibili ng drugs sa kanya. Ang last nabili niya is about 200 pieces ng ecstasy. Sa cellphone na nakita namin ‘yung litrato nila, these mga celebrity. Malaki ito. You can see him everyday,” ayon kay Aquino.

Aniya, posibleng alam ng mga celebrities na sila ang minamanmanan ngayon ng PDEA kaya malaki ang posibilidad na magiging maingat muna ang mga ito sa kanilang mga ikinikilos at magpapalamig muna pero tiyak niyang magiging aktibo pa rin ang mga ito sa kanilang mga show upang hindi mahalata ng publiko.

Kasabay nito, inaalam na rin ng PDEA ang posibleng koneksyon ni Pasion sa “Igot drug syndicate”, na pinamumunuan ng isang Rustico Igot na nakapiit umano sa New Bilibid Prisons na sa Cebu umano nag-o-operate ang mga galamay.

Magugunitang nitong Marso 11 dakong alas-10:30 ng gabi ay napatay si Pasion nang makipagbarilan sa mga awtoridad habang naaresto ang kanyang live-in partner na si Irene Mercado alyas Sophie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?