64

By

2 senior justice ng Korte Suprema, tinanggap ang automatic nomination sa pagka-chief justice

Sharing is caring!

Dadalawa pa lang ang nais maging sunod na chief justice ng Korte Suprema, tatlong working days ang nalalabi bago ang deadline.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ex-officio member din ng Judicial and Bar Council (JBC), nagsumite na kahapon ng mga requirement si Associate Justice Diosdado Peralta.

Ibig sabihin nito, tinatanggap ni Peralta ang automatic nomination sa kanya bilang isa sa mga senior associate justice ng Korte Suprema.

Sa ngayon, kasama ni Peralta na aplikante para maging ika-25 Supreme Court Chief Justice ng bansa si Justice Lucas Bersamin na kabilang din sa automatic nomination bilang senior associate justice ng Kataas-taasang hukuman.

Mayroon pa hanggang sa Lunes, October 15 ang mga nais maging chief justice para magsumite ng aplikasyon o nominasyon.

Si Chief Justice Teresita Leonardo De Castro ay nagretiro na kahapon matapos siyang sumapit sa mandatory age retirement na 70.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroong 90 araw para magtalaga ang Pangulo ng bansa ng bagong punong mahistrado magmula nang ito ay mabakante.

Ang pipiliin ng Pangulo ay nakabatay naman sa isusumiteng shortlist ng JBC na may mandatong sumala sa mga kandidato para sa mga posisyon sa Hudikatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?