389

Apr 22, 2021 @ 15:17
By

2 senior citizen pinatay sa loob ng kotse

Died on the spot ang dalawang senior citizen matapos barilin sa loob ng kanilang sasakyan kahapon, Abril 21 sa Makati City.

Sa ulat, kinilala ang mga biktimang sina Bonifacio de Vera Jr. at Remigia Talledo de Vera, kapwa 62-anyos.

Nagtamo si De Vera ng mga tama ng bala sa katawan habang sa mukha si Remigia.

Nasa loob ng nakagarahe nilang sasakyan ang mga biktima sa Barangay Bel-Air nang dumating ang isang gray Mitsubishi Mirage.

Isang babaeng suspek ang bumaba at sumakay sa sasakyan ng mga biktima upang kausapin ang mga ito.

Ilang sandali pa ay bumaba ang babaeng suspek at kinausap ang lalaking kasabwat at pagkatapos ay bumalik sa sasakyan ng mga biktima, at sa sandaling nasa loob, sa hindi alam na kadahilanan, ay nagpaputok ng maraming beses sa dalawang biktima bandang ala-1:35 ng hapon.

Pinaghahanap pa ang mga suspek habang dinala sa punerarya sa Pasay City ang mga biktima para sa awtopsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?