162

Mar 18, 2020 @ 19:51
By

2 senador tumangging magpa-COVID test

Hindi nagpa-test para sa coronavirus disease ang dalawang mambabatas kahit nagpositibo sa COVID-19 si Senador Migz Zubiri.

Ayon kina senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, tumanggi na silang magpa-COVID test dahil batay sa polisiya ng Department of Health, prayoridad nila ang mga matatanda at may sintomas na pasyente dahil sa limitadong supply ng test kits.

“She’s following health protocols… She is not displaying any symptoms. She is under self-quarantine after Sen. Migz tested positive for COVID-19,” sabi ng staff ni Hontiveros.

Gayundin ang sinabi ni Pangilinan dahil ayaw niyang maaksaya ang mga test kit.

Wala naman daw kasi siyang sintomas ng disease.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?