107
crime2
May 28, 2018 @ 16:51
By

2 sekyu niratrat ng bala, 1 tigok

Pinaulanan ng bala ng isang gunman ang guard house na pinagtatrabahuhan ng dalawang security guard kagabi sa Caloocan City.

Nasawi sa insidente si Renato Rosalengos, 44, habang kasalukuyang ginagamot sa ospital si Aser Escalante, 31.

Nabatid na naka-duty ang dalawang biktima sa guard house sa kahabaan ng Leo Street, Pangarap Village, Barangay 181 ng nasabing lungsod, nang dumating ang ‘di pa kilalang salarin na nakasuot ng bullcap at camouflage na jacket saka niratrat ang mga una.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng .45 kalibre na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?