215
sekyu
May 11, 2018 @ 18:21
By

2 sekyu nagbarilan, parehong dedbol

Parehong namatay ang dalawang security guard nang magbarilan matapos na magtalo kung sino sa kanila ang magte-take over sa condominium na kanilang binabantayan sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang di pa pinangalanang guwardiyang kapwa bumulagta ay mula sa Detecnet Security Agency at Inerca Security Agency. Sila ay kapwa nagtamo ng tama ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon sa Burgandy Condominium na matatagpuan sa Katipunan Ave., Bgy Loyola, Q.C.

Napag-alaman na ang isang guwardiyang nabaril ay natagpuang nakahandusay sa ikatlong palapag ng condo habang ang isa naman ay nasa ground floor hawak pa ang shotgun na gnamit sa pamamaril.

Ayon sa nakasaksing kasamahang guwardiya, nakita niyang nagtatalo ang dalawang guwardiya kung sino sa kanila ang magte-take over sa post nang kanilang binabantayang gusali.

Humantong sa mainitang pagtatalo ang dalawang guwardiya hanggang sa kapwa bumunot ng baril at nagkahabulan pa hanggang umabot sa ikatlong palapag ng nasabing condo.

Nang parehong makitang duguang nakabulagta ang dalawang guwardiya ay agad namang isinugod ang mga ito ng mga kasamahang sekyu sa kalapit na ospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?