41

Oct 9, 2021 @ 21:51
By

2 scammer na tinangkang manlimos kay Sotto, arestado

Kalaboso ang dalawang lalaki na ginagamit umano ang pangalan ng isang obispo para makahingi ng donasyon mula sa mga senador.

Kinilala ang mga suspek na sina John Curt Resco at Dennis Jose Borbon.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong Sabado, P300,000 ang hinihingi ng dalawa na nagpakilalang kinatawan ng obispo ng Daet.

Ang tanggapan ni Senador Tito Sotto ang nagbigay alam sa NBI tungkol sa dalawa kaya’t agad na naisagawa ang pagaresto.

“Vinerify namin yung bishop sa Archdiocese ng Bicol, walang ganoong klaseng bishop. Walang nanghihingi sa kanila ng ayuda or tulong,” pahayag ni NBI Special Task Force executive officer Sixto Espinesin Jr.

Bukod sa opisina ni Sotto, tinarget din umano ng dalawa si Senador Francis Tolentino.

“I knew no bishop would do such a thing, and so I set him up through the Senate Sgt. At Arms and the NBI,” pahayag ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,