79

Jul 19, 2019 @ 11:04
By

2 Santiago pinalo ang PLDT

Pumalo ng pinagsamang 27 points ang mag-utol na sina Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat at Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago nang bundulin ng Foton para sa panlimang ragasa ang PLDT Home Fibr, 25-21, 25-21, 25-15, sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference preliminaries, Huwebes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Iniskor lahat ni Dindin ang hits niya sa atake samantalang nakapaloob sa 13 markers ni Jaja sa matingkad ding pinakita, ang 10 kills, 2 blocks at ace para barahang 6-3 win-loss at pagsakop ng Tornadoes sa tersera.

Nagbutones naman si Grethcel Soltones ng 13 points na sulsi pang 11 digs at 9 excellent sets, pero nawalang halaga lang sa paghaba ng subsob ng Power Hitters sa lima pitong asignatura sa midseason tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?