48
sandiganbayan1
By

2 Sandigan justices, kumbinsidong guilty sa plunder si Revilla

Sharing is caring!

Naniniwala sina Sandiganbayan 1st Division Chairperson Efren dela Cruz at Associate Justice Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta na guilty si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa kasong plunder gaya ng sinapit nina Janet Lim Napoles at Richard Cambe.

Kanina pinawalang-sala si Revilla sa plunder kaugnay ng pork barrel scam case habang hinatulang guilty sina Napoles at Cambe na may sentensiyang reclusion perpetua.

Ayon kina Gomez-Estoesta at Dela Cruz, hindi dapat na-acquit ang dating senador dahil nakipagkutsabahan ito kina Napoles at Cambe sa paglilipat ng malaking pondo sa kanyang PDAF sa pamamagitan ng mga non-government organization ni Napoles.

Sinabi naman ni Dela Cruz na ang pagtalaga ni Revilla kay Cambe bilang authorized representative nito ay patunay sa contention ng prosekusyon na kumikilos lamang ang dating Senate staff sa direktiba ng dating senador.

Iginiit naman ni Gomez-Estoesta na dapat matukoy din ng mga korte na mayroong conspiracy na nangyari sa mga akusado.

Habang sang-ayon umano siya na mahina ang testimonya nina whistleblowers Benhur Luy at Merlina Sunas para masabing binigyan ng awtorisasyon ni Revilla si Cambe, ilang ebidensiya ang magpapatunay na nakinabang ang dating senador sa scam.

Patunay daw dito ang inquiry report na inilunsad dati ng Anti-Money Laundering Council kung saan nakita ang umano’y hindi maitatangging paglago ng yaman ni Revilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?