7

Jul 25, 2020 @ 17:30
By

2 sa Subic nahawahan Covid ng kaanak galing Maynila

SUBIC, ZAMBALES – Ipinapatupad ngayong araw ang mahigpit na boarder checkpoint sa lahat ng pumapasok at lumalabas na mga motorista at residente sa bayang ito.

Ito ay matapos kumpirmahan ni Subic, Zambales Mayor Jonathan Khonghun na may tatlong pasyente mula sa kanyang bayan ang nagpositibo sa sakit na COVID-19 matapos silang mahawahan ng isa sa miyembro nila sa pamilya.

Ayon sa alkalde ang mga nagpositibo ay dalawang babae na nasa 22-46 taong-gulang matapos mahawa sa isang lalake na nasa 46-taong gulang na may travel history mula sa Maynila.

Samantala bilang paghihigpit sa boarder checkpoint sa nasabing bayan, nagpaliwanag si Subic IATF Spokesperson John Carlo Ramos na magtutulungan sila ng grupo ng Mobile Force Company, Subic MPS, Taskforce Disiplina at ang Traffic Managemen sa checkpoint.

Kung dati umano ay driver lamang ang tsini-check, ngayon ay pati ang mga sakay nito para masigurong may travel authority.

Kapag hindi awtorisado at walang maipakitang dokumento ay hindi ito pinapayagang dumaan.

Matatandaang na ipinatutupad ngayon sa bayan ang Passcode System para masigurong ang mga dadaan lamang sa lugar ay hindi tatagal.

Sa unang checkpoint ay may ibibigay na passcode na siyang sasabihin sa kasunod na checkpoint bilang patunay na dumaan lamang ito sa lugar at hindi nanatili ng matagal.

Sa ngayon ay tinatayang nasa 47 ang naitalang kaso sa lalawigan ng Zambales na may 11 sa mga ito ay sumasailalim pa sa gamutan, isang nasawi habang nasa 35 naman ang gumaling ay pinauwi na sa kanilang tahanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?