106
arrested
Oct 31, 2017 @ 14:05

2 sa 6 na pugante ng Laguna jail, nasakote

Nadakip na kanina ng mga pulis sa Imus CIty, Cavite ang dalawa sa anim na detenido na tumakas mula sa Laguna Provincial Jail noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Rommel Palacol, pinuno ng Laguna Action Center, alas9:30 ng umaga ng maaresto sina Rhandel Vale at Romel Macaraig sa Barangay Pasong Buaya 1.

Si Vale ay may kasong murder, samantalang illegal possession of explosives at carnapping naman ang kaso ni Macaraig.

Maliban sa isang cellphone wala ng nakuha pang bagay sa dalawang pugante.

Magugunita na alas 10:40 ng umaga ng Linggo nang tutukan ng dalawa kasama ang apat pang detenido ang isang duty jailguard bago nila ito binaril at inagawan ng M16 rifle.

Samantala, sinabi ni Palacol na pinaghahanap pa rin nila ang apat pang pugante na sina Rio Mahilum, Rayman Raymundo, Teddy Bucal at Verjust Dizon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?