213

Mar 18, 2018 @ 16:10

2 sa 4 na nasawi sa sunog sa Manila Pavilion, nakilala na

Nakilala na ang dalawa sa apat na nasawi sa nasusunog na Waterfront Manila Pavilion Hotel sa Maynila

Batay sa ulat ni Manila Police District(MPD) spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang mga nasawi ay sina Jun Evangelista, Treasury Officer at Billy De Castro na isang intern security.

Ang dalawa sa mga nasawi ay hindi pa nakikilala habang missing naman o nawawala sina Mark Sabido at Joe Cris Banaag na kapwa CCTV Operators ng Manila Pavilion Hotel.

Ang apat sa mga nasawi ay idineklarang dead-on-arrival sa Manila Doctors Hospital.

Nakilala naman ang lima sa 17 asugatan sa insidente na sina Marilyn Omadto, Edilberto Evangelista, Jennifer Figueroa at Billy De Castro.

Alas-11:30 ng Linggo ng tanghali nang itaas sa taskforce ‘bravo’ ang sunog at patuloy pa ring inaapula hanggang sa mga sumadaling ito. Rick Villanueva

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?