65

Mar 8, 2021 @ 21:02
By

2 resolusyon na kumikilala sa 2 Pinoy sa Biden gov’t pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang dalawang resolusyon na kumikilala sa dalawang Filipino-American na binigyan ng puwesto ni US President Joe Biden sa American government.

Kinikilala ng House Resolution 1513 si Camille Calimlim Touton na in-appoint bilang Deputy Commissioner ng US Bureau of Reclamation noong Enero 21, 2021.

“Touton’s appointment is historic as she became the first Filipino-American to serve in the agency’s leadership role,” saad ng resolusyon na akda ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia read.

Si Touton ay anak ng mag-asawang Carl at Marlene Calimlim, ng Barangay Tebeng, Dagupan City.

Kinikilala naman ng House Resolution 1613 si Gloria Diño Steele na itinalaga bilang acting administrator ng US Agency for International Development (USAID).

USAID ang pangunahing ahensya ng US government sa pagtulong sa ibang bansa.

Si Steele ay nakatanggap ng tatlong US Presidential awards: isang Presidential Meritorious Executive ward noong 2007 at dalawang Presidential Distinguished Executive Awards noong 2008 at 2018. Siya ay nakatanggap din ng Order of Sikatuna Award mula sa Pangulo ng Pilipinas noong 2015.

“For her achievements as an exemplary Filipino-American in the USAID, who envisioned a genuine commitment to help others live a better life, it is but fitting to commend and give honor to Ms. Gloria Diño Steele for representing the whole Filipino nation in the pursuit of a better Philippines and a peaceful world,” saad ng resolusyon na akda ni Pangasinan Rep. Rose Marie Arenas.

Ang dalawang resolusyon ay pinagtibay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?