By

2-rating based handicapping race sa Metro Turf ngayon

Sharing is caring!

SA 10 karerang nakalinya ngayon dito sa Metro Turf ay may dalawang Rating Based Handicapping System races ang higit pang magpapasigla.

Sa ikalawa na panimula ng unang set ng take all ay walong kabayo ang pasok rito. Ito ay sina Sense Of Rhythm, Boundary, Purging Line, Safety Medal, Gil’s Angel, Rosario Princess, No Matter What at Follow Me.

At doon naman sa penultimate race ay pito naman ang maglalaban. Ito ay sina Valkyrie, Hallelujah, All By Myself, Pamela, Suzie Cat, Leather King at Star Of Matamis.

P90,000 ang adisyunal na premyo na hahatiin sa uukupa ng puwesto na mula una hanggang pang-apat. At may dagdag pa itong 10,000 para naman sa mananalo lang.

Ang unang karera natin ay paglalabanan ng mga tatlong taong babaeng kabayo. Ito ay sina Shalom, Sande, Illustrious, One More One More, Keen Alisha, Once Afan A Time, Marahuyo at Ace Grant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?