47

Oct 6, 2021 @ 10:07
By

2 rapist nasakote sa Sorsogon

Pinosasan ng mga awtoridad sa Sorsogon ang dalawang suspek sa krimen ng panggagahasa sa naturang probinsya.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Arnel Enovijas at Welferd Azuela.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, naaresto ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Pilar at Sorsogon City.

Ani Police Colonel Arturo Brual ng PNP Sorsogon, nagtago ang dalwa sa mga probinsya matapos nilang gawin ang krimen.

Kasalukuyang nasa Bureau of Jail Management and Penolog na ang dalawa.

Samantala, inihayag din ng PNP official ang kanyang pagkaalarma sa tumataas na rape crimes sa nasabing probinsya.

Aniya, siyam na raw na suspek kasi ang naaresto nila sa loob lamang ng 2 araw.

“During the pandemic nag-increase po ang aming kaso ng rape cases dito sa lalawigan that is why in just a matter of two days nine suspects po yung naaresto namin ng cases po ng rape,” wika niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?