125
ABANTE rapist grade 1 jail crime
Jun 26, 2019 @ 18:04
By

2 rapist kulong sa Antipolo

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos ang halos isang taong pagtatago makaraang ireklamo ng kasong panggagahasa sa isang 15-anyos na bata sa Antipolo City.

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo police, nakilala ang mga suspek na sina Lenard Tuyor at Mark Ormelita, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Antipolo City na kapwa nahaharap sa kasong rape laban sa 15-anyos na biktimang itinatago sa pangalang Joy.

Matapos ang halos isang taong pagtatago ay natunton ang dalawa nang may nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa pinagtataguan ng dalawang suspek.

Ayon sa report, nagkakasayahan ang tatlo at nang malasing na ang biktima ay sinamantala na nila ang kahinaan nito at pinagpasahan na ng dalawang suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa Antipolo detention cell ang dalawang suspek habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?