344

Jan 12, 2019 @ 12:01

2 pusher bulagta sa Laguna

Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher sa Laguna sa magkahiwalay na operasyon ng pulis sa Cabuyao at San Pablo, Laguna.

Ikinasa ng mga pulis-Cabuyao ang buy-bust operation laban sa suspek na si Jeffrey Orofil, residente ng Calamba City, sa Brgy. Banay-Banay sa Cabuyao dakong alas-tres nang madaling-araw kanina.

Ayon sa mga pulis, unang nagpaputok ng kalibre .38 si Orofil kaya gumanti ng putok ang kapulisan. Na-recover ng pulis ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Sa buy-bust operation naman sa San Pablo, patay ang isa pang pusher na si Markphie Alvaran, 37-anyos, dakong alas-12:40 nang hatinggabi sa Brgy. San Antonio.

Ayon kay Laguna police chief Sr. Supt. Eleazar Matta, si Alvaran ay nagpaputok ng baril nang maibenta na ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa undercover na pulis.

Napatay agad si Alvaran nang gumanti ng putok ang pulis. Nakuha ng kapulisan kay Alvaran ang kalibre .38 na baril. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?