21

Aug 15, 2021 @ 9:50
By

2 pulis tsugi sa COVID

Dalawa pang kawani ng Philippine National Police (PNP) ang namatay sa COVID-19 ayon sa tala nitong Sabado. Dahil dito, sumampa na sa 91 ang death toll rate ng ahensya.

Samantala, sumirit na sa 32,364 indibidwal sa PNP ang tinamaan ng naturang sakit matapos maitala ang 131 bagong kaso kahapon.

Umakyat din sa 30,314 ang bilang ng mga pulis na nakarekober mula sa nasabing virus.

Kasalukuyang umabot na sa 1,959 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?