By

2 pulis sugatan sa ambush ng NPA sa Nueva Ecija

Sharing is caring!

Dalawang pulis ang sugatan makaraang tambangan ng New Peoples Army sa Carangglan Nueva Ecija kaninang umaga.

Sa ulat ng Philippine National Police reresponde sana sa isang insidente ng pamamaril ang tropa ng Carranglan Police Station, Provincial public Safety Company at mga miyembro ng 84th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Sitio Calvelo Brgy Putlan, Carranglan, Nueva Ecija kaninang alas-6:30 ng umaga.

Pero pagsapit nila sa lugar ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga miyembro ng NPA.

Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PO3 Jose Ira Nimenzo at PO1 Rommel Gabia na parehong nagtamo ng bali sa binti nang tumalon sa PPSC vehicle

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nanambang na mga rebelde. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?