145
pulis
Jan 25, 2018 @ 10:18
By

2 pulis patay, 14 sugatan sa pagsabog sa Abra

Todas ang dalawang pulis habang 14 ang nasaktan sa pagsabog na naganap sa La Paz, Abra kaninang madaling-araw.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang mag-asawang sina Abra Rep. Joseph Bernos at Mayor Menchie Bernos habang patay naman sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzel Kitoyan.

Nabatid na ipinagdiriwang ang kapistahan ng La Paz sa town plaza ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pagsabog.

Isinabay ang pagpapasabog ng dalawang MK 2 fragmentation grenades malapit sa stage sa fireworks display.

Ang iba pang sugatan ay sina Marc Rowjan Beronilla, 24; isang 17-anyos na estudyante; Leyze Rose Pe Benito, 23; Darroll Azoi Gonzales, barangay captain sa South Poblacion, Bucay, Abra; Diosdado Mina, 18; Jayson Bernabe Zales, 35; Ryan Jun Camacho Marasan, 37; Benedicto Doque Jr., 32; Eva Marie Panagtay Sales, 38; Juanito Sales, 37; PO2 Richard Basiag, 41, at PSI Apdilon Galong, ang acting chief of police ng La Paz. (Pinggoy Romero/Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?