178
2 pulis Pasig, asset dakma sa hulidap
Jul 16, 2019 @ 15:37
By

2 pulis Pasig, asset dakma sa hulidap

Arestado ang dalawang Pasig police at kanilang asset dahil sa panghoholdap umano sa lalaking inakusahan nilang drug suspect sa Barangay San Miguel, Pasig City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Police Corporal Roy Duman-ag, 27; Patrolman Arsenio Velardo, 29; at Janus Francisco, 36.

Ayon sa report, tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktimang si Robert Tamondong, 28, habang sinasabihan ng “huwag kang tatakbo, adik ka!”

Sa aktong ito kinuha ng mga suspek ang P850 na pera ni Tamondong at maging ang kanyang silver na singsing.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with intimidation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?