67

Mar 26, 2020 @ 8:06
By

2 pulis nahawa sa coronavirus

Kinumpirma ng Philippine National Police na may dalawang pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Sila’y isang 32-anyos na parak na nakatalaga sa Metro Manila at nakuha ang test results noong Marso 17, at isang 52-anyos na pulis na nakatalaga sa Laguna.

Ayon sa PNP, ang dalawa ay parehong nakahiwalay sa kani-kanilang tahanan at binabantayan ng mga doktor ng ahensiya.

Naka-lock down na rin anila at maiging lilinisin ang mga tanggapan kung saan nakatalaga ang dalawa.

Nitong Miyerkoles, Marso 25, nasa 709 tauhan ng PNP ang persons under monitoring habang 61 iba pa ang persons under investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?