17

Jan 15, 2021 @ 17:33
By

2 pulis nagpositibo sa drug test, sinibak

Tanggal sa serbisyo ang dalawang pulis matapos nilang magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Police Brig. Gen. Felipe Natividad, isang pulis mula Calamba City Police Station at Candelaria Municipal Police Station ang nagpositbo sa paggamit ng shabu matapos magsagawa ng random drug test noong Enero 4 at 13.

Hindi na idenitalye pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Aniya, nasa kustodiya na ng Personnel Holding and Accounting Unit Section ang dalawa at inilalakad na ang pagtanggal sa mga ito.

Bukod sa kasong grave misconduct ay nahaharap din ang dalawa sa mga criminal complaint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?