22

Jun 17, 2021 @ 14:58
By

2 pulis nag-donate ng dugo sa naaksidenteng ginang

Sinaluduhan ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar ang dalawang pulis na nagbigay ng dugo sa isang babae na naaksidente sa Dauin, Negros Oriental.

Kinailangan ng dugo ni Lilibeth Sobreviga matapos itong mapuruhan sa isang vehicular accident noong June 9 sa Brgy. Bulak.

Rumesponde naman sina Patrolman Reynald Tayko at Jessie Ray Bulfa na nag-donate ng kanilang sariling dugo.

“Nakakataba ng puso ang ganitong mga pulis na hindi nagdadalawang-isip tumulong para maisalba ang buhay ng kanilang kapwa. Bilang ama ng PNP, saludo ako sa ipinakita ninyong serbisyo para sa kababayan nating nangangailangan ng agarang tulong,” lahad ni Eleazar.

Tumulong din ang mga pulis sa iba pang pangangailangan ng ginang habang naka-confine ito sa Silliman University Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?